Dusa ang inabot ni Arci Muñoz sa shoot ng isang pelikula.
Nawala kasi ang luggage niya while in transit sa Maldives na kinunan ang kabuuan ng pelikula.
Kaya naman halos nawalan ng gana si Arci nang dumating siya sa nasabing bansa.
Nasa maleta kasi niya ang lahat ng casual dresses at outfits niya na gagamitin sa shoot.
Sey pa niya, naging bentahe lang daw na may naitabi siyang underwear sa kanyang hand-carry bag, dahil kung wala, isang underwear lang ang suot niya sa one-week shoot nila sa Maldives. “Buti na lang po, sanay kaming mag-travel.
So usually, sa hand-carry, naglalagay talaga ako ng extra shirt, extra underwear, pang-emergency,” bungad niya.
“Buti na lang may dala kaya ako. So, kapag suot ko, lalabhan ko. The next day, susuotin ko ulit.
Ang hirap, grabe! Kaya nanghiram na lang ako ng ibang damit,” pahabol niya.
Nagpapasalamat naman siya sa co-star na si Kiray Celis dahil naging ‘saving grace’ niya ito.
Pinahiram daw siya nito ng bagong extra underwear for the shoot.
(Archie Liao)