Marami ang naalarma at nagulat sa huling concert umano ni Gary Valenciano.
Nilinaw naman niya nang makausap namin.
“You know, I met with my team and many of them are saying, you cannot say last time… and I look at them and say, I’m also human and I’m 59.
“The next time I do a concert, let’s say, it’s not the title ha, but the next time I do a concert in coliseum, it will probably be in two years time and I’m 62 by that, ”sambit pa niya.
Dagdag pa ni Gary, “I don’t want people to put their hands and say, magaling, pero medyo hinihingal na siya, ano? Ayoko ng umabot sa gano’n and my body is feeling that, especially in big stages.”
Anyway, halos sold-out na ang two nights concert ni Mr. Pure Energy sa SM Mall of Asia Arena sa April 26 at 27, ang “One Last Time.”
Malinaw naman na sinabi ni Gary na hindi na siya magko-concert nang malakihang venue na solo siya. Puwedeng collaboration ang mga susunod or another repeat in Music Museum.
Sey pa niya, “I called it one last time because I want it to be the last, big, solo, hataw na, all-out. Watch Gary, he’s gonna be Mr. Pure Energy again but it has to end.
Ang sigurado at ikina-excite niya rin, napakarami pa raw niyang gustong gawin .
“It’s going to be exciting,” ang positibo niyang pahayag.
Sa mga hindi nakaalam, known as Type 1 diabetic si Gary. Napakarami nang pinagdaanan ang kanyang health. Heart By-pass operation, kidney cancer, diabetic attack and almost dying na. Ang huli, nilagyan siya ng stern sa puso. Pero after a week, nakapag-perform na siya agad.
Kaya isang living testimony talaga si Gary sa apat na dekada ng career niya.