Hinamon ng governance watchdog na Pinoy Aksyon ang mga environmentalist at ang Philippine Coast Guard (PCG) na tigilan ang sisihan at mag-focus sa recovery efforts sa nangyaring oil spill sa Bataan na umabot sa karatig bayan.
Ayon kay Pinoy Aksyon chairperson Bency Ellorin tanging ang Shogun Ships, ang may-ari ng MT Terranova, ang may sole accoutanbility sa nangyaring aksidente.
“Nasa batas ng RA 9484 at international maritime law na once cargo is loaded onto a vessel, the ship takes full ownership and responsibility.”
“Aksidente ang nangyari at dapat na tumutok sa ginagawang recovery ng Shogun Ships, Coast Guard at private sector,” pinaliwanag ni Ellorin.
Kinuwestiyon din ni Ellorin ang PCG sa pagpayag ng dalawang tanker na maglayag sa kabilang ng kasagsagan ng bagyong Carina.
“There were two ships that sank in a matter of two weeks.
Noong nakaraang Hulyo 15, isang lantsa ang sumadsad sa baybayin ng Romblon, at dalawa naman sa Bataan.
Pinuna din ni Ellorin ang biglaang pagsasalita ng mga environment groups at sa madaliang konklusyon na hindi naayon sa batas at tunay na nangyari.
Hinimok ng Pinoy Aksyon ang PCG na imbestigahan ang tatlong insidente bago gumawa ng konklusyon.
” Madaling manisi pero siguraduhing hindi para maghugas kamay. Lessons should be learned and end the preventable and irreversible damage to the environment,’ giit pa ng grupo.
Nararapat umanong maglunsad ang maritime authorities ng mga solusyon upang agad na mabigyang babala ang mga sasakyang pandagat.
Dapat din aniyang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga lalabag sa babala ng mga awtoridad ng Pilipinas.
“While the admission of liability of the owners of the oil tanker that sunk off the coast of Bataan last week is laudable, we demand effective and transparent salvage and clean-up operations on MT Terranova that sank with 1.4 million liters of petroleum. Those who damage the environment should pay,” giit ni Ellorin.
Noong nakaraang linggo, dalawang fuel tanker, isa dito ay ang MTKR Jason Bradley ang lumubog sa Mariveles, Bataan, isang linggo bago sumadsad ang isang Ferry sa bayan ng Romblon.
Sinabi ng PCG na ang MV Maria Helena ng Montenegro Shipping ay sumadsad malapit sa baybayin ng Barangay Nasunugan sa bayan ng Banton, at listed umano dahil sa “imbalance of cargoes and seawater inside the vessel.”