Ika-apat na taong kaarawan na ng anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza. Halos taon-taon ay may bonggang pa-birthday party si Trina sa anak.
Mukhang kanya-kanya na silang paandar para kay Mithi Enola. Pero kumpara dati na tuwing birthday party ni Mithi, ang inaabangan at hinahanap ay ang presence ni Carlo.
Parang nagpauna na si Carlo sa Instagram post niya na wala siya sa party ng anak, pero pagbalik niya ay magkikita sila sa kanyang caption na, “I’ll see you soon.”
Parehong mga positibo na ang mga comment sa magkahiwalay na IG post nina Trina at Carlo. Obviously, malaking bagay na nakikita ng mga netizen na si Mithi ay nakakasama na ni Carlo at ng kanyang misis na si Charlie Dizon. (Rose Garcia)