Isang malinaw na senyales na ang resulta ng survey ng OCTA research na 1 percent lang ang nagsabing Pinoy na importante at dapat unahin na aksiyunan ng gobyerno.
Sa isinagawang survey ng OCTA research ay 1 sa 100 Pilipino ang nagsabing dapat may Cha-cha na ang ibig sabihin ay hindi ito importante sa mga Pinoy .
Sa maraming isyu na itinanong ng OCTA sa survey ay nangunguna na gusto masolusyunan ng gobyerno ay ang inflation na siyang may kinalaman sa paggalaw ng presyo ng bilihin sa bansa.
Sa tatlong isyu na nangungunang nais ng publiko ay ang resolbahin ang paglobo ng inflation na 73 percent, pangalawa ay ang pagkakaroon ng affordable na bigas, karne. gülay at iba pang pangunahing pagkain na nagtala ng 43 percent at sonundan ito ng pagtuon sa pagkakaloob ng trabaho , mapataas ang arawang suweldo ng manggagawa at maihango sa kahirapan ang mga Pilipino.
Bukod dito ay nais din ng mga Pilipino na pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang edukasyon, peace and order, patas na pagpapairal ng batas at iba pa.
Isang malinaw na senyales ito na dapat ay tanggapin ng mga mambabatas na ayaw ng mga pinoy ang chacha at tanging ang mga pulitiko lang ang may nais nito.
Ang nakakapagtaka lang ay bakit sinasabing marami ang pabor sa cha-cha sa pamamagitan ng people’s initiative sa pamamagitan ng pagkalap ng pirma.
May mga report kasi na umano’y nagkakabayaran kapalit ng pirma bagamat ito ay hindi malinaw ang katotohanan dahil wala pang matibay na ebidensiya.
Mismong si House Speaker Martin Romualdez ay mariing pinabulaanan na may kinalaman siya at nag utos sa people’s initiative .
Naunang nagkasundo na ang Senado at House of Representatives na isulong ang charter change pero magkahiwalay na pagkilos at ang aamyendahan ay ang mga economic provisions.