Si Bea Alonzo ang nagbigay ng Thanksgiving party para sa buong team ng ‘Widows’ War.’ Sa bahay pa ng aktres ginawa ang party.
Present ang buong cast. Sabay-sabay silang nag-partake sa masarap na dinner na inihanda ni Bea at mga tao na tumulong sa kanya.
Ang sabi, pang-third party na ang ginanap sa bahay nina Bea a few days ago. Pasasalamat sa magandang pagtanggap sa “Widow’s War,” sa positive feedback at magandang ratings. May nagbiro namang dahilan lang ang party para magsama-sama at mag-bonding ang cast na super close.
Masaya rin daw ang GMA sa magandang samahan ng cast, tulungan sa taping lalo na kapag mahirap ang mga eksena at kailangan alalaayan ang kailangang suportahan.
May live band pa sa party at game lahat kumanta. Nag-duet pa nga ng “Water” ni Miley Cyrus sina Bea at Carla Abellana. Ramdam ang closeness ng cast at makikita sa video na nag-enjoy ang lahat.
More than two months nang umeere ang WW na nag-pilot noon.
Dahil sa magandang feedback, baka umabot pa ng November ang airing ng nasabing murder mystery series.
(Nitz Miralles)