Dehins matatawaran ang natatanging sakripisyo at puso ng Creamline na naging 10-time champion sa 8th Premier Volleyball League 2024 sa loob ng isang linggo.
Dinaig ng Cool Smashers ang Cignal, 21-25, 25-17, 20-25, 26-24, 15-13, upang masungkit ang Invitational Conference at ang kauna-unahang league Grand Slam sa paliga ng Sports Vision Management Group noong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.
Unang napagwagian ng Creamline anmg All-Filipino Conference sa unang bahagi ng taong ito at ang Reinforced isang linggo lang ang nakalipas kasunod ng Invitational.
Nagtala ang pinakabatang import na si Erica May Staunton ng 29 points sa makasaysayang panalo habang si Reinforced MVP Bernadeth Pons bumakas ng 27 rekado ang 13 excellent digs at 16 receptions.
“It means so much coming into this conference na ang mindset lang namin pinanghawakan talaga namin na matagal na kaming magkakasama and alam bawat isa yung role nila,” suma ni Kyle Negrito, na nagtala ng 25 excellent sets, ukol sa team na hindi ininda ang diretsong paglalaro sa huling dalawang kumperensya nang wala ang ilang kasamahan.
“Talagang yung respect namin sa isa’t isa [was there] and I am just so proud of my team.”
Binalewala ng Creamline ang unang olats sa season, bumangon sa mapanghamon na taon kung saan hindi nakalaro ang ilang key players sa panibagong kasaysayan.
Isinaisantabi din ang masaklap na talo una sa Cignal na pumigil sa 2023 Grand Slam bago muling inalat sa tatlong sunod na korona laban sa 2023 titlist Kurashiki Ablaze.
Ang ikatlong sunod na pagkakataon ay hindi na naging hadlang para sa Cool Smashers.
Tumulong sa pagbuhos ng puwersa ng kampo sa tig-11 markers sina Pangs Panaga, nagbalik na si Jema Galanza at si Bea de Leon na may walo.
Nag-ambag din si Kyla Atienza ang kanyang bahagi sa depensa sa likod ng 19 digs at 11 receptions. (Lito Oredo)