Napilitan ang Metro Manila Turf Club Inc. at Philippine Racing Commission na kanselahin na lang ang walong nakatakdang karera ng kabayo Linggo ng hapon sa MMTCI sa Malvar,Tanauan, Batangas.
Ito ay bunsod sa pagkakaron ng problemang teknikal sa nasabing karerahan.
Ayon sa pamunuan ng Metro Turf, nag-malfunction ang satellite sa lugar ang pangunahing dahil sa pag-postpone sa kaganapan.
Wala pang binigay na pahayag kung kalian maisasaayos ang nasirang bahagi ng pasilidad.
(Abante TONITE Sports)