Sa November 30, 2024, magwa-one year na mula nang kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na break na sila after an 11 years relationship sa pamamagitan ng separate posts sa Instagram.
Hindi nila sinabi kung kailan talaga sila naghiwalay dahil kumpirmasyon na lang na hiwalay na sila sa nasabing petsa ang kanilang in-announce. Hanggang ngayon, marami pa ring KathNiel fans ang hindi pa nakapag-move on sa break up nina Daniel at Kathryn, nalulungkot pa rin sila, nasasaktan kapag nali-link ang isa sa kanila sa iba. Marami rin ang umaasa na magkakabalikan pa rin ang KathNiel at nagkaroon sila ng pag-asa na mangyayari ito nang magpahayag ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla na umaasa siyang magkakabalikan ang KathNiel.
Sabi ng mga fan ni Kathryn, malabo silang magkabalikan hanggang hindi raw inaamin ni Daniel ang kanyang kasalanan. Sagot naman ng mga faney ni Daniel, malabo talaga ang inaasam ng KathNiel fans kung kanilang ipagpipilitan na kasalanan lahat ni Daniel ang paghihiwalay nila ni Kathryn.
May mga naninwala namang wala nang rason na magkabalikan pa ang dalawa. Masaya na sila being single at maganda pa rin ang takbo ng kanilang mga career na wala ang isa’t isa. Kaya hayaan na lang silang forever nang magkahiwalay, lalo na kung hindi na nila love ang isa’t isa.
Samantala, bago lumipad pa-Italy si Daniel para sa taping ng “Incognito,” nagpa-facial muna siya at nagpagupit. Para siguro fresh pa rin siya kahit action ang series na ginagawa.