STANDINGS
TEAMS W L
PLDT Home Fibr 7 1
Choco Mucho 7 1
Petro Gazz 6 2
Creamline 6 2
Chery Tiggo 5 2
Cignal HD 5 2
Akari 3 5
Nxled 3 5
Farm Fresh 2 6
Galeries Tower 2 6
Capital 1 1 7
Strong Group 0 8
Mga laro sa Huwebes
(PhilSports Arena, Pasig)
4 pm – Capital1 vs Akari
6 pm – Cignal vs Chery Tiggo
Sa likod nang bangis ni Kiesha Dazzie Bedonia, madaling iginupo ng PLDT Home Fibr ang Strong Group, 25-12, 25-21, 25-17, upang tumabla sa tuktok ng 8th PVL 2024 3rd All-Filipino Conference eliminations Martes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Trumabaho ang 21-anyos, 5-6 ang taas na outside hitter ng 16 points lahat sa atake upang ihatid ang High Speed Hitters sa ikalimang ragasa at buhulan sa tuktok ang Choco Mucho sa 7-1 (win-loss) rekord sa pukpukan sa semifinals.
Pero mahirap pa ang mga susunod na laban ng PLDT na kabibilangan ng Chery Tiggo sa April 16, Cignal sa Apr. 20, bago ang defending champion Creamline sa Apr. 25. Lahat ito ay krusyal pa-semis sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.
Magkatabla ang HD Spikers at Crossovers sa panlimang puwesto sa 5-2 slates habang kasalo ng Cool Smashers ang Petro Gazz sa tersera sa 6-2 sa torneo na mga ineere ng www.PVL.ph, RPTV, Pilipinas Live app, One Sports at One Sports+.
“Sinamantala ko lang ang tiwala sa akin ng mga coach naming, kailangan anila na matapang ang loob buong laro,” ani Bedonia tapos ng isang oras at 15 minutong hambalusan. “Kakayod pa kami sa training para sa last three games namin.”
(Abante TONITE Sports)