Trending na naman si Kim Chiu kahit na nasa California ngayon para sa ASAP. Kasi naman, kahit nasa U.S. sila ni Paulo Avelino, mas todo ang kilig ng mga KimPau.
Nag-IG story si Kim na kuha ang running shoes nila na ni-repost ni Paulo. Sa Pilipinas ay madalas na silang spotted na magkasamang nagja-jogging at hanggang sa U.S., obvious na hindi pa rin mapaghiwalay ang dalawa.
Ilan sa mga comment na mababasa sa X, “Saan aabot ang fangirling mo?Abot hanggang California.
lab you #KimPau.”
“Jogging. Coffee Date after jogging.
Naging routine na talaga ng KimPau ang ganito.” (Rose Garcia)