Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang pinsan na si Sen. Imee Marcos na maging mabu¬ting ehemplo sa mga kabataang Pilipino.
Ginawa ni Romualdez ang panawagan matapos sabihin ni Marcos sa pagdinig ng Senado ang mga katagang “Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo” na palagay ng ilan ay siya ang pinatatamaan.
“In response to the recent comments made by Senator Imee Marcos, I would like to address this matter with the utmost respect and civility that it deserves,” sabi ni Romualdez.
Bagama’t inaasahan na umano ang pagkakaroon ng magkakaibang opinyon, sinabi ni Romualdez na makabubuti kung pag-uusapan ito nang maayos at mayroong respeto sa isa’t isa.
“The phrase ‘Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo’, as expressed by Senator Marcos, reflects a passionate stance on issues we both care deeply about. As public servants, our primary focus should always be on the welfare of our constituents and the progress of our nation. It is in this light that I choose to interpret her words as a call to engage more deeply in our shared commitment to serve the Filipino people,” sabi ni Romualdez.
“Ang pakiusap ko lang kay Senator Imee. Hindi po kailangan ng bastusan. Pinakikinggan tayo ng mga kabataan at hindi magandang ehemplo ang ganito,” dagdag pa nito.
(Billy Begas/Eralyn Prado)