Agad nalungkot ang maraming Pinoy sa pag alis ng BRP Teresa ng Philippine Coach Guard sa Escoda Shoal.
Ang buong akala ng lahat ay isang uri ito ng pagsuko ng Pilipinas sa China.
Pero ngayon ay lumilinaw na ang isyu dahil hindi naman pala pag -atras at pagsuko ang paglisan ng BRP Teresa Magbanua kundi ay upang bigyan ng malasakit ang mga tauhan ng PCG na nakaranas ng sobrang hirap , gutom at kawalan ng inumin na maarring ikasama ng kalusugan or maari pang ikamatay.
Napakalawak pala ng Escoda Shoal at anumang oras ay maaring bumalik ang anumang barko para mag bantay doon.
Hindi makakayang harangin at pagbawalan ng sinuman na makapasok ang barko ng PCG sa Escoda shoal.
Dahil dito ay makakabuting papurihan pa nga ang mga kagawad ng PCG na nag saktipisyo at nalagay sa panganib upang magbantay sa Escoda Shoal.
Gayunman, ang pinakamainam na gawin ngayon ng mga pilipino ay magkaisa at suportahan ang gobyerno sa pangunguna ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na siyang nakikipag laban sa anumang pagtatangka na sakupin ang mga isla o karagatan na sakop ng ating exclusive economic zone.
Huwag basta basta maniniwala ang publiko sa anumang mga pahayag na sinukuan na ng gobyerno ang Escoda Shoal sa halip ay magtiwala lang sa gobyerno na siyang nangunguna sa pagproprotekta sa ating ari arian .
Inaasahan natin na pag tutunan din ng pansinnng pa mahal san ang pagpapalakas sa kagamitan ng PCG at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mas maging maayos ang pagbabantay sa ating teritoryo laban sa mga nagtatangkang sumakop dito.