Kaarawan ni Ysabel Ortega noong January 25.Pero, sa pagkakataong ito, absent si Miguel Tanfelix.
Talagang physically, hindi sila nagkasama ng rumored girlfriend sa ika-25th birthday ng Kapuso star.
Ang dahilan, naka-lock-in na kasi si Miguel sa South Korea bilang siya ang pumalit kay Ruru Madrid bilang ika-8th runner ng Running Man Philippines.
Pero in fairness kay Miguel, kahit na nasa South Korea ito, hindi niya siyempre makakalimutan ang kaarawan ni Ysabel. May paandar siyang Tulips bouquet na ipinost ni Ysabel at ang caption nito, “All the way from South Korea, thank you miguelito.”
‘Yun nga lang, medyo na-delay ng isang araw ang Instagram birthday greeting ni Miguel for Ysabel. Nagkataon daw sa mismong birthday nito, sobrang naging busy nila sa taping.
Sabi ni Miguel, “Happy Birthday, Maria. Please always keep on smiling like this. I hope you enjoyed your special day. Let’s celebrate your birthday pag balik na pag balik ko jan okay?”
At humingi nga ito ng sorry na late na ang IG greetings niya. Aniya, “Sorry sa belated greeting. Didn’t get the chance to hold my phone yesterday due to busy taping sched hehe.” (Rose Garcia)