Uminit na naman ang usapin ng “Mindanao Republic” matapos ihayag ng dating pangulong Duterte na tutulong siya sa plano ng mgapwersang pulitikal sa Mindano na nagsusulong namagkaroon ng “hiwalay at independiyente ng Mindanao.”
Ayon sa dating Pangulo, ang pagkilos ay hindi‘madugo’ dadaan ito sa proseso na itinakda ng United Nations.
Ang pahayag ng dating Presidente ay pagpapakitalamang na tila malalim na ang di-pagkakaunawaanng kampo ng mga Marcos at Duterte.
Bagama’t pilit na ikinukubli ang pagkawasak ng Uniteam, hindi na ito maikukubli matapos sabihinng Pangulong Bongbong Marcos sa kanyangpinakahuling video message na “Sa isang BagongPilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa.”
Bagama’t walang pinangalanan, ang mganaglabasang ‘soundbites’ lalo na mula sa kampo ng mga Duterte at mga kaalyado nito ay nagpapahayag na hiwalay na ang ‘pula sa puti,’ kulang na lamang na magsolian ang kandila.
Ayon sa dating Pangulong Digong, angmangunguna sa proseso ng paghiwalay ng Mindanao ay si dating House Speaker PantaleonAlvarez.
Hindi pa man nakapagsisimula sina Alvarez, makikita na ang pagkahiwalay ng mgastakeholders sa Mindanao.
Normal lamang na isulong ng kasalukuyangadministrasyon ang pananatili ng political entity naBangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, dahil produkto ito ng mahabang proseso na pinuhunanan ng dugo at pawis ng mga taga Mindanao.
Hindi pa 100-porsiyentong nakakamit angkapayapaan at kaunlaran sa rehiyon, subali’t kahitpaano ay may pagusad na tungo sa mithiingmaunlad na Mindanao.
Bilang reaksyon sa panawawagan ni PBBM, angmga BARMM governor ay nagbigay ng kolektibongpahayag para sa pagkakaisa ng mga Pilipino upang makamit ng bansa ang mga layunin nitopara sa kaunlaran.
“Ito ay isang masigasig na kolektibongpanawagan sa ating mga nasasakupan at sabuong bansa, na humihimok ng katatagan at pagkakaisa upang makamit ang atingpinagsasaluhang adhikain. Ang mga BangsamoroPeople ay desidido na huwag mag-regress kundisumulong nang sama-sama bilang isang walanghumpay na puwersa, buong pagmamalaki naipinagdiriwang ang ating pagkakakilanlangBangsamoro bilang isang mahalagang bahagi ng Republika ng Pilipinas,” pahayag ng mga BARMM governor.
Malaking hamon ito sa kampo ng dating Pangulona muling nagsulong ng Mindanao Republic.
The post “Mindanao Republic” first appeared on Abante Tonite.
Source_link