May pumasok na $394 milyon na katumbas ng P22 bilyong net foreign direct investments sa Pilipinas nitong Hunyo, mas kaunti ng 29% sa $555 milyong foreign direct investments na pumasok noong Hunyo 2023, sabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang foreign direct investments ay ang mga pinupuhunang direkta sa mga planta, proyekto o kompanya na mas mahalaga kaysa sa ekonomiya dahil ito ay tumatagal sa loob ng ekonomiya kumpara sa tinatawag na portfolio investments na pinupuhunan sa stock market at mga inuutang ng pamahalaan sa pamamagitan ng treasury bills and bonds na mabilis lamang bawiin.
Mula Enero hanggang Hunyo, umaabot na sa $4.4 bilyon o P246 bilyon ang net direct foreign investments na pumasok sa bansa, mas malaki ng halos 8% kumpara sa $4.1 bilyon na pumasok sa ekonomiya noong parehong panahon nung 2023.
Ayon sa BSP, sa Japan galing ang pinakamaraming foreign direct investments noong Hunyo na katumbas ng 47% ng kabuuan. ¬(Eileen Mencias)