Tila rumesbak na si Pia Wurtzbach kay Heart Evangelista kaugnay sa umano’y patutsada nito sa pamamayagpag ng Miss Universe 2015 sa Paris at ang kanyang dating glam team.
Ito ang ipinapalagay ng ilang netizen at ni @KafosoMo sa kanyang X post na pinagtabi ang naunang IG post ni Heart na may larawan ng isang libro na ang title ay “Don’t Give The Enemy at Seat at your Table.” May konek ito sa bagong campaign ad ni Pia para sa isang beauty product na may linya tungkol din sa upuan at lamesa.
May linya si Pia na, “While other’s deny us a seat at the table. We’re creating our own space. Paving the way for others to follow. Irrelevant after the crown? I fought for my place to be so much more. Sayang yun?”
Lumikha ng iringan sa pagitan nina Pia at Heart ang nasabing post ng Kapuso fashion icon, dahil na rin sa dating glam nito na ngayon ay stylist ni Pia.
Humakot ng samu’t saring reaksyon ang naturang post na kinuha ang linyahan ni Pia na resbak daw kay Heart.
Wala pang paglilinaw si Pia tungkol dito. Kahit ipaliwanag nito ang content ng ad hindi na nito makukumbinsi ang mga netizen na ilihis ang isyu sa kanila ni Heart.