May trauma pala sa showbiz si Rosmar Tan dahil may nagpakilala umano sa kanya na may konek sa isang TV show.
Nahingan umano siya ng ng P5M para ma-feature umano ang kanyang life story.
Sad to say, scammer ang naka-deal niya at hanggang ngayon ay nasa husgado pa raw ang kaso. Kumbaga, walang konek sa nasabing programa ang nabigyan niya ng datung.
“ Ang nangyari po noon nangako siya ng mahigit isang taon na ibabalik niya, na nagipit lang siya. Ako naman naniniwala at naawa kaso ‘yung taon na ang nakalipas at kung ano ang sinasabi, doon ako nag-file ng kaso. Hinihintay na lang po ‘yung resulta,” sambit ni Rosmar.
Anyway, kamakailan ay binahagi niya ang kanyang paboritong pagkain na lechon. Ito’y sa pamamagitan ng isang feeding program sa kanyang mga kababayan sa District 1, Tondo Maynila.
Isa rin daw itong “giving back” para kay Rosmar sa lugar na kanyang kinalakihan. Tinawag niyang “Rosmar Cares” ang naturang programa . Mayroon din siyang pa-sopas at pamimigay ng grocery sa mga ito.
Para kay Rosmar, ang pagkain daw ng lechon ay hindi lang naman tuwing may okasyon. Anumang oras daw na nainisin ng sinuman ay makakakain nito.
Hindi man daw lahat ay makaka-afford na makabili nito pero nandiyan daw si Rosmar para mag-share nito.
Nais din daw niyang makatulong sa mga small business owner kung kaya’t tinatangkilik niya ang kanilang mga paninda.
Naniniwala siya na silang mga business owner ay magiging matagumpay kung tatangkilikin ang produkto ng bawat isa.
Likas na maawain at matulungin sa kapwa si Rosmar .Isa siya sa mga sikat na celebrities na nagbigay ng tulong noong humagupit ang bagyong Carina/Habagat dito sa atin.
Kasama ang nangungunang vape brand sa bansa na SHFT International sa pangunguna ni Eugene Chua. Nakapagbigay sila ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo sa San Fernando Pampanga, Marilao Bulacan at muli sa Tondo Maynila.
Kaakibat nila ang Local Government Unit sa nasabing kawanggawa.