Ibinalita ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram followers na sisimulan na niyang gawin ang kanyang sariling libro.
Ayon sa latest post ni Mega, sa tingin daw niya ay ready na siya na gumawa ng book.
“I think I am ready. To start writing my book. Just need to collect mt thoughts and slowly but surely begin,” ang anunsyo nya.
Sey pa niya, “Please pray for me kasi am so busy taping pa.”
Umani naman ng suporta mula sa fans, friends and colleagues ang planong ito ni Megastar at ngayon pa lang ay inaabangan na nila.
“You got this shweetert!” komento ni Martin Nievera.
“You got this,” sabi rin ni Ryan Agoncillo.
‘YAY!!! Thank God❣ This is what we’ve been waiting for, Ate Shawie❣ Make it happen, please❣ Luv yah so much❣😘💕👑🌟💫💖💖💖,” sey naman ng isa niyang fan.
“Kahit ganu kahaba at kakapal handang mgbasa bsta about po sainyo..☺️♥️,” saad naman ng isa pa.(Vinia Vivar)