Ayon sa lawyer ng dalawang independent contractor ng GMA na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, may “absolute denial” umano sa parte ng kanyang kliyente na sina Jojo Nones at Richard Cruz, ang umano’y umabuso sa anak ni Nino Muhlach na si Sandro.
Sa video na pinost ng ABS-CBN, nagbigay ng update si ator ni Maggie.
Aniya, sobrang naapektuhan ang kanyang dalawang kliyente at nagkaroon ng mental health dahil sa issue.
Aniya sa panayam ng ABS-CBN, Atty. Maggie Abraham-Garduque said that on the onset, there is an “absolute denial” about the situation.
“Yes, of course, on the onset naman that there is an absolute denial of the allegations being accused of our clients. So may denial talaga.”
Binanggit din niyang matagal na sa industriya ang kanyang kliyente ng mahigit 30 years at napanatili umano ng mga ito ang malinis nilang reputasyon.
“Kung kilala niyo naman itong dalawa mga clients namin, they’ve been in the television industry for more or less than 30 years. Naging malinis po ang reputasyon ng mga ‘to. So this is very destroying to their reputation, sobrang nakakaapekto sa mental health nila ngayon,” pagdiriin ng Lawyer.
Ayon pa sa abogado nina Nones Cruz, labis umanong nalulungkot ang dalawa niyang kliyente dahil sa “serious allegations” na inaakusa sa kanila. (Beth Gelena)