Inaanyayahan ang dive enthusiasts at medical professionals alike sa comprehensive two-part seminar sa diving at hyperbaric medicine, tampok ang mga distinguished international resource speaker.
Gaganapin ito sa Bai Hotel sa Mandaue City, Cebu sa Feb. 15-17, na susundan ng sesyon sa Luxent Hotel sa Quezon City sa Feb. 19-21. Bawat venue ay ay tatanggap lang ng 150 kalahok, tumitiyak sa mga babahagi ng eksklusibong karanasan.
Ito ay babalangkasin ng Dive Committee, kinabibilangan ng Department of Tourism (DOT), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD), at ng Tourism Promotions Board (TPB). Misyon nito na mapag-isa ang lahat ng programa at gawain sa scuba diving sa kapuluan ng bansa.
Sina Richard ‘Dick’ Clarke, pangulo ng National Baromedical Services, Inc., USA, at recipient ng 2023 DAN Lifetime Achievement Award, at Dr. Alicia Fleur Turner, na diving at hyperbaric medicine practitioner mula sa Australia, ang mga tagapagsalita sa three-day sessions na may mga paksang Diving Medicine review and update, Hyperbaric Chamber Operational and Safety Aspects, at Hyperbaric Oxygen Therapy Review.
Direktang tugon ang seminar sa dive dialogue sa Cebu City noong Sept. 2023, mabilis na sagot sa kailangan ng industriya sa diving. Dinaos pa ang unang Diving and Hyperbaric Medicine seminar sa bansa noong 2018, kaya malaking tulong ang nalalapit na kaganapan para maipabatid ang mga bagong kaalaman at kasanayan sa diving.
Pwedeng na ang registration at online payment sa QR code o via direct transfer sa TIEZA DBP current account No. 0405-018676-030. Sa mga katanungan at iba pang mga detalye, makipag-ugnayan sa divehyperbaricmedicine2024@tieza.gov.ph. (Abante TONITE Sports)