Ang mga sayaw ngayon ay mukhang nangingisay at magandanaman tingnan. Ito ay pinagaaralan at kinasasanayan ng mgamananayaw.
Ngunit paano na lang kung hindi namankagustuhan mangisay, biglaan na lang nangyayari at sa kung saanmang lugar. Hindi na ito normal at maayos. Ito ang tinatawag na epileptic seizures. Nagkaroon ng anomalya ang pagdaloy ng brainwaves. Maaaring mula pa ng ipinanganak o genetic ang dahilan.
Pero pwede naman kung lumalaki o may edad na. Sa bata na wala pang pitong taon, maaari din magkaroon kung matindi ang pagalagnat. Tinatawag na benign febrile seizures. May kasamang pagkawala ng malay. Pwedengmatagal at ilang minuto abutin, pwede rin naman saglit lamang. Ang tumitingin na doktor sa mga kundisyon na ganito ay ang mga neurologists. Isa sa mga eksaminasyon na ginagawa ay ang electroencephalogram o EEG. May mga electrodes na ikinakabitsa ulo at tinitingnan ang mga brainwaves. Kung may mgapagkakaiba na makikita ay nangangahulugang hindi magandaang daloy ng ng komunikasyon sa utak.
May iba’t ibang klase ito: ang tonic seizures, ay ang pagbaluktotat pagtuwid ng mga braso at paa; ang clonic seizures, ay ang panginginig ng dibdib sunod ang mga biyas na sabay sabay, ang tonic-clonic seizures, ay kumbinasyon ng dalawa. Mayroongmyoclonic seizures, kung saan may panandaliang muscle spasm at kung minsan nagiging dahilan ng pagkaaksidente. Ang absence seizures naman ay halos hindi napapansin dahil sanalingon lang ang ulo o di kaya ay kumukurap lang ang mgamata. Ang huli ay atonic seizures na nawawalan ng lakas angmga muscle na panandaliang panahon. Lahat ay nawawalan ngmalay nang walang babala.
Gamot , tulad ng mag anti convulsants, ang ibinibigay lalo na sapangaraw araw kung nagkaroon na ng mahigit sa pangalawangepisode. Ngunit kung minsan, kahit nakaisa pa lamang ngunitang posibilidad magkaroon muli ay mataas, ipinaguumpisa na din.
Kaakibat ang self-management o care, tulad ng tamangpagkain pati na ang special diets, ehersisyo, paglinis o hygieneat pagpahinga. Maaaring maglagay din ng neurostimulators, patina din ang neurosurgery sa mga malalalang kaso.
Ang mahalaga ay ang first aid nito, lalo na sa matindingpangingisay. Kinakailangan itagilid ang katawan, pati mukha. Ito ang recovery position para maiwasan mapunta ang anumangtubig o laway sa baga. Hindi na kinakailangan ng tongue depressor o anumang pangbara sa bibig, lalo na ang mga daliridahil baka maduwal at masuka ang pasyente o makagat ang tumutulong. Itabi ang mga gamit sa paligid nang hindi masaktanang inaatake. Antayin makalipas ang pangyayari, ngunit kungmahigit pa sa 5 minuto, ito ay emergency na at kailangan dalhinagad sa pinakamalapit na ospital.
Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal).
Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing martes10am at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am saDZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.