Naitanong kay Albie Casiño kung nakiramay ba siya noong burol ni Jaclyn Jose. May paggalang namang nag -condolence si Albie sa mga naiwan ni Jaclyn.
Pero tahasan niyang deklarasyon na hindi siya nakiramay at dumalaw noong burol.
“Unang -una I just want to say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa mga taong nagmamahal sa kanya pero like hindi naman ako apektado doon. My presence will not be welcome there, so bakit ako makikiramay?”
Matatandaan na nadawit dati ang pangalan ni Albie sa pagbubuntis ni Andi. Nasira noon ang career ni Albie at nabuwag ang love team nila ni Kathryn Bernardo.
Anyway, sunud-sunod ang pelikulang gingawa ni Albie sa Vivamax. Wala naman daw kaso sa kanyang magpa- sexy dahil trabaho raw ito.
Makakatambal ni Albie ang baguhang sexy actress na si Vern Kaye sa pelikulang “Kasalo” kasama sina Mia Cruz at Rash Flores .Magsisimula na itong i-stream sa March 26, 2024 sa Vivamax. (Allan Sancon)