Kinabog na naman ni Anne Curtis ang mga kapwa Pinay celebrity sa fashion scene nang gawin siyang main feature para sa isang magazine.
‘Perfect’ nga ang tingin ng nasabing magazine na may parehong title base sa pasilip na description ng sumulat ng article.
Ibinahagi ng nasabing lifestyle fashion mag sa kanilang IG ang video sa pictorial session ni Anne. Iba’t ibang look ang mapapanood sa “It’s Showtime” host.
Sabi sa caption, “Filipina actress Anne Curtis is the true definition of an Asian-multi-hyphenate celebrity.”
Kinilala ang solid background o credentials ni Anne sa tagumpay nito sa larangan ng acting, singing, sold-out concerts at box-office appeal nito sa mga movie. Dagdag pa ang pagiging sultry, steely at seductive nito.
Ibinida rin ni Anne sa kanyang IG ang ilang shots ng pictorial nito na featured sa naturang magazine.
Isang international magazine ang Perfect na base sa London. Makikita sa mga naunang edition na pawang mga foreign models, fashion figures at personality ang binibida nito. (Rey Pumaloy)