Tawang tawa ang mga netizen sa kapwa nila netizen na pinagkamalang si Bea Alonzo si Bela Padilla.
Sa Instagram account ni Bela, nag-upload siya ng isang larawan kasama ang kanyang boyfriend bilang pagbati sa ika-3rd anniversary nila.
“To the person who supports my mission to finish Hogwarts Legacy on the PlayStation and will happily take over the stages that are too scary for me, happy anniversary ❤️ and I miss you!” saad ni Bela sa kanyang caption.
Nag-comment naman ang netizen at sinabing, “Bakit anniversary? Ano yung kay Dominic? Kaloka nakakawalang respeto sa self 😢”
Nireplayan naman ito ni Bela ng, “???”
Napahalakhak tuloy ang ibang netizen at napa-reply pa sa comment.
“Kalurky ka po😂”
“Bella padilla yan Di si bea HAHAHA”
“sana okay ka lang😂”
“Hahaha lashing ka ba o nakahigh😂😂😂”
“Bela po yan not Bea😂😂😂”( VP)