Isa sa nanghihinayang sa pagpanaw ni Jaclyn Jose ay si Sen. Bong Revilla.
Sa “Marisol Academy” ng Teletabloid, inilahad ni Revilla ang panghihinayang na hindi niya nakasama sa pelikula ang magaling na aktres.
Join sana ito sa bagong sequel ng pelikula niyang “Alyas Pogi” dahil lodi raw niya ang veteran actress.
“Hindi ko siya nakasama sa pelikula eh. Actually, naisip ko talaga isama siya sa ‘Pogi’, hindi ko siya nakasama eh. Sayang, sayang,” wika ni Revilla. (Issa Santiago)