Hayaan po ninyong bigyaan-daan ko ngayon ang isang makabuluhang patakbo sa papasok na buwan na may misyong makailak ng pondo na iaayuda sa mga sanggol o paslit na ma mga sakit sa atay.
Inanyayahan po ako sa press launching nila ng dati kong kasamahan sa Direct Link Runners Club, Inc./Runners Link na si Eddie ‘Ed’ Patena noong isang linggo. Pero paumanhin at ‘di ko napagbigyan. Natiyempo lang kasabayan ito ng 1st Women in Sports Awards 2024 kaya wala po akong mapakisuyuang reporter naming daanan ang presscon ng patakbo.
Bilang isang marathoner din na malambot ang puso sa mga kawanggwa, kahit wala akong nakausap sa mga busy marahil na host at organizer Briseis Liver2hold Organizations, Inc., nais kong matulungan sila kahit sa maliit na paraan kaya sila po ang tinampok natin ngayon sa ating pitak.
Inaanyayahan nga po nila ang publiko, lalo na ang mga runner na bumahagi sa 2nd Color Fun Run: Rainbow of Revival, Shades of Healing 10K/5K/3K 2025 paalis at pabalik sa Liwasang Ulalim ng CCP Complex sa Roxas Boulevard, Pasay sa Linggo, May 12.
Ang registration fee po sa 10K ay P1,450 na may singlet, race bib, color powder, medal, shades, finisher shirt. Sa 5K ay P1,050 with singlet, race bib, color powder, medal, shades; at sa 3K ay P750 na may singlet, race bib, color power, medal din.
May kapana-panabik na mga freebie at prize para sa top finishers din.
Kasagsagan na ang online registration sa https://forms.fillout.com/t/p6e31YhVQKus. At makababatid ng iba pang mga detalye kay Jonalyn Belista sa 0949 300 3564 o sa email Briseisliver2hold@gmail.com.
Ang assembly time ng 10K ay 3:30am at ang gun start ay 4:30am, sa 5K ay 4:00am ang assembly at 5:00am ang start, at sa 3K ay 4:30am ang assembly at 5:30am ang start.
Sali na na po tayo. Nakatakbo na, nakatulong pa po tayo.
***
Belated happy 8th birthday kay Clark Limjhay P. Amaro ng Brgy. Kapt. Kua. GMA, Cavite na nagdiwang noong March. 22. Pagbati mula sa kanyang ina na si Rejoice P. Amaro.