“No comment” muna raw sa ngayon si King of Talk Boy Abunda sa naging pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque hinggil sa kanilang break-up.
Sa joint statement na inilabas ng BeaDom sa kanilang Instagram last Sunday confirming their break-up, sa isang bahagi nito ay nakasaad na “unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”
Maliwanag na isa sa pinatatamaan ng dalawa ay si Kuya Boy dahil isa siya sa nag-confirm ng BeaDom break-up last week sa kanyang ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Mukhang nakalimutan na nina Bea at Dom na ipinagtanggol pa sila ng TV host laban sa mga tumutuligsa sa kanila.
Via text message ay hiningan namin ng reaksyon ang King of Talk hinggil sa naging pahayag nina Bea at Dom at kaagad naman niya kaming tinawagan.
“Ayaw ko munang magsalita, Vinia. Lalo lang lalala, eh,” he said.
Aniya ay inirerespeto raw niya ang pain ng both parties na nararamdaman ngayon kaya pinipili na muna niyang manahimik.
“There’s so much pain that’s being experienced by the parties involved and even pain deserves respect,” he said.
Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na siya magsasalita tungkol dito.
“There’s a time to speak and there’s a time to shut up. Right at this moment, I’m choosing to shut up. But not for long,” sey ni Kuya Boy.
Samantala, ngayong Feb. 12 ay nag-renew ang King Talk ng kanyang kontrata sa GMA-7 at nagpapasalamat ang TV host sa network na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya.
“Maraming salamat. Ito’y nangangahulugan lamang na patuloy ang tiwala, patuloy ang suporta, patuloy ang… this belief na in all the things that I can do and all the things that I cannot,” pahayag ni Kuya Boy sa panayam ng GMA-7.
“Itong pagkakataon na ito na ibinigay ninyo sa akin na bumalik dito sa GMA-7 at ang makatrabaho ang isang community of production, creatives, technical people na napakahuhusay at napakasaya. Araw-araw I go to the set because it is a happy place.
“It’s a second home and ang sarap bumalik sa studio dahil masaya lamang kami and masayang magtrabaho,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “(Thank you for) allowing me to rediscover all friends… also for allowing me to discover new talents, writers, researchers. Ako’y masaya po na nakatrabaho silang lahat. Ako po’y natutuwa sa aming samahan. So for allowing me to work with them again, maraming maraming salamat.”