Sasambulat ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Cup regular season ngayon (Martes) sa Ninoy Aquino Stadium na may apat na team ang magrarambol para sa glorya ng taunang torneo sa basketbol na magbabalik ngayong taon.
Panauhin sa pambungad na seremonya si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann simula sa alas-7:00 ng gabi kasunod ang pagtutuos ng Capital1 Solar Boys ni Ramon Bonilla ng Manila Bulletin at Strong Group Athletics Press Row Boys ni Julius Manicad ng Daily Tribune sa alas-8:00 ng gabi.
Matatapos ang hostilidad sa unang araw sa duelo nang magkasinglakas na Say Chiz Smileys ni Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer at Smart Sports Scribes ni Dodo Catacutan ng Spin.PH sa alas-9:30 ng gabi sa kompetisyon na isa mga proyekto ni PSA president Nelson Beltran ng The Philippine Star.
Isang preason ang aktuwal na nagpaumpisa sa regular season kung saan parehong sumegunda ang Smileys at Sports Scribes sa katayuan sa likuran nang namayagpag na Team PSC na winalis ang apat na laro ng exhibition matches.
Kahit nagtabla sa mga tinapos na 2-2 win-loss cards, angat ang Smart Sports kontra Say Chiz sa preseason pagkaraang tambakan ng una ang huli, 73-40.
Patok din ang Press Row Boys sa Solar Boys dahil sa 73-68 win sa preseason tiff. Ang panalo ang nagsalba sa kampanya sa ng SGA para tablahan ang Capital1 sa barahang 1-3.
Balik sa simula ang mga labanan para sa lahat ng koponan na sasabak sa double round robin format sa na ang top teams ay may twice-to-beat bonus sa semifinals.
Pinapadrinuhan ang torneo ng PSC, ni top sports agent Danny Espiritu, Shakey’s, at ng Athletic Events and Sports Management Group Inc. (Abante TONITE Sports)
The post Dribolan na sa PSA Cup men’s hoopfest first appeared on Abante Tonite.
Source_link