ANGAT ng isa ang Gilas Pilipinas sa world ranking ng FIBA pagkatapos ng first window ng Asia Cup 2025 Qualifiers, top nation sa nabanggit na continental qualifiers na nag-improve ang Pilipinas (+1), nasa No. 37 na ngayon mula sa dating No. 38.
Tinalo ng Filipinos ang No. 121 Hong Kong 94-64 at No. 81 Chinese Taipei 106-53 noong nakaraang linggo, parehong bumaba ang Hong Kong (-2) at Taiwan (-3), bumaba ang Nigeria (-1) sa No. 38 na dating puwesto ng Pilipinas.
Hindi natinag sa No. 21 ang New Zealand, kasama ng Pilipinas, Hong Kong at Chinese Taipei sa Group B ng Asian Qualifiers, sa opening window ay tinalo din ng Tall Blacks ang Taiwan (89-69) at Hong Kong (88-49).
Top sa Asia/Oceania ang No. 5 Australia kahit dumausdos ng isa (-1), hindi natinag ang No. 26 Japan (0) at No. 29 China (0), angat ng isa sa No. 50 ang Korea (-1).
(Vladi Eduarte)