Ni Rey T. Sibayan
Mga ka-Misteryo kayo ba ay ginagambala ng mga multo? Paano kung ginagambala kayo ng mga maligno?
Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!” Si Willy ng Mandaluyong ay pasado alas-3 na ng madaling araw matulog kung kaya’t kadalasan ay hindi maiwasang gambalain siya ng mga ispiritu sa paligid.
Misteryo: “Paano ka ba ginagambala ng mga multo o ng mga ispiritu?”
Willy: “Karaniwan biglang nangangalabit kahit nasa loob ako ng house.”
Misteryo: “Aba sa loob talaga ng house mo? Baka naman sumama sayo pagkauwi mo at na-attract sa energy mo yung multo.”
Willy: “Alam ko naman na sumama sa akin kasi nakakaramdam at nakakakita talaga ako pero ayaw ko yung iniistorbo ako especially kung natutulog na ako. May time kasi sarap na ng tulog ko biglang may sumundot sa puwet ko eh alam ko nag-iisa lang ako sa house.”
Misteryo: “Teka kung nakikita mo yung spirit pwede mo naman sabihin na huwag ka istorbohin di ba?”
Willy: “Lagi ko sinasabihan ang mga iyan pero usually dedma sila hindi nila pinapansin ang request ko makulit talaga.”
Misteryo: “Yun bang nang-iistorbo sayo ay mga kaluluwa ng namatay na tao o mga maligno o engkanto?”
Willy: “Ganito may mga multo na talagang makulit pero mas makulit ang mga elemento o engkanto sila kadalasan ang biglang sumusulpot sa paligid ko.”
Misteryo: “Nakita mo ba yung mga engkanto na nangulit sayo? Anong hitsura nila?”
Willy: “Ang nakikita ko dark shadows o dark entity biglang sumusulpot may time lumilitaw sa wall biglang nawawala. Yung iba nagtatago sa cr o kaya sa corner ng house.”
Misteryo: “Ano ang ginagawa mo kapag laging nangungulit mga multo at engkanto?”
Willy: “No choice I have to practice ‘dedmatology’ yung wag mo na lang pansinin.”
Kayo mga ka-Misteryo ginagambala ba kayo ng mga engkanto at multo? Mag-comment at magpadala ng mensahe sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.