Pangungunahan nina Heather Guino-o at Jannine Navarro ang pinaghalong kabataan at beteranang players na bubuo sa Capital1 Solar Energy na mabibinyagan sa 7th Premier Volleyball League 2024 3rd All-Filipino Conference na sisiklab sa Feb. 20.
Si Guino-o ay dating pambato ng FEU Lady Tams na nakasabak na rin sa ilang team sa liga at may isang titulo samantalang produkto si Navarro ng CSB Lady Blazers na hinatid niya sa trono ng 2016 NCAA.
Asinta ng bagong team na makapagpasiklab agad at mapukaw ang atensiyon ng milyong fans ng sport sa bansa.
Sasandalan din ng mga batang Solar Spikers owners na sina Mandy at Milka Romero ang nagbabalik na coach na si Roger Gorayeb at sina ex-La Salle player Arianne Layug, National University’s Jorelle Singh at University of the East’s Janeca Lana para sa dagdag na opensa
Kumbinsido ang Romero sisters – na mula sa sports oriented family- na lalabas at kakasa ang mga manlalaro sa bawat game sa ibibigay sa kanilang pagkakataon na patunayang may ibibiga.
“This will be a good opportunity for them to shine and be recognized so we are giving our all-out support to the team,” lahad Huwebes ni Mandy, na pinuno ng family-owned solar energy company. “My sister and I are hoping we can grow together in support of PH sports, especially volleyball.”
Sa parte ni Milka, pinahayag niyang: “We are not in a hurry, we take it one step at time until we build a winning culture. That’s our goal.”
Nagpapadagdag sa mag-ateng Romero ang pagpapatawa ni Gorayeb sa laro, lalo’t isa siya sa matatagumay at repetadong coach sa bansa.
Bilang pauna ng coach: “Gutom sa playing time ang mga iyan, so they have this great desire to win games. Abangan ninyo na lang sila.”
Ang iba pang miyembro ng Capital1 ay sina Rovee Instrella, Renesa Melgar, Sydney Niegos, Lourdes Clemente, Shyra Umandal, Cathrina Dizon, Kath Villegas, May Macatuno, Jel Quizon, Rica Rivera, at Bingle Landicho.
LImang balibolista pa, kabilang ang tatlong beterana, ang magpapalakas sa Solar Spikers bago magbukas ang yumayabong na liga. (Abante TONITE Sports)