GAMIT ang bilis, liksi at kabataan, magaang na ginapi ng SGA-Saint Benilde ang 1Munti, 97-74, sa PSL President’s Cup kamakailan sa FilOil-EcoOil Centre sa San Juan City.
Pitong players sa pamumuno ng mga bagong-saltang sina Ian Torres at Roger Ondoa ang bumida para sa koponan ng Blazers, na nagawang maiposte ang kanilang ikawalong panalo sa 12 laro, nagtipon ng tig-15 puntos sina Torres at Ondoa.
May nakolekta ring siyam na rebounds at anim na assists si Torres, kasama ni Ondoa sa NCRAA champion team na Immaculada Concepcion College bago sila kinuha ng Blazers para sa susunod na NCRAA season.
Nakapagtala ang Blazers ng 25 puntos mula sa kanilang fastbreaks kung saan nahirapang makahabol ang kanilang karibal na mayroon lang naipong tatlong puntos mula rito.
(Abante Tonite Sports)
The post Ian Torres, SGA-Blazers dehins maawat sa PSL first appeared on Abante Tonite.
Source_link