Semis Game 2 sa Linggo
(PhilSports Arena, Pasig)
10 a.m. – FEU vs UE
24-26, 25-16.
Lumapit ang Far Eastern University sa finals makalipas akayin ni Jazlyn Anne Ellarina sa pagganti ng 25-21, 25-15, 25-20 panalo kontra University of the East sa 3rd V-League Women’s Collegiate Challenge best-of-3 semifinals Game 1 nitong Miyerkoles ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig.
Tumikada siya ng 13 points habang sumaklolo si Chenie Tagaod ng 10 markers kasama ang 9 digs at 8 excellent receptions para mamuro na makatapak muli sa next round ang No. 3 Lady Tamaraws.
Determinado ang last year’s runner-up Morayta-based squad sa laban makaraang unahan ng second seed na mga balibolista ng Recto sa marathon game eliminations sa paliga ng Sports Vision Managament Group, Inc., na inieere ang mga laro sa sa Solar Sports, vleague.ph/live, at V-League’s YouTube channel.
“Mindset talaga namin na makuha ‘tong game na ‘to. As in, parang kada training, binigay talaga namin ‘yung best namin para makuha ang first game ng semis,” saad ni team captain, setter Tin Ubaldo.
Atat isara ng Lady Tams na tapusin ang serye sa Linggo sa alas-10:00 ng umagang Game 2 sa PhilSports Arena pa rin.
Kumana si Kai Cepada ng game-high 17 points para sa UE na kulang sa armas na hinarap ang Lady Tamaraws.
Dumating ang pambato ng lady Warriors na si Casiey Dongallo sakto bago magsimula ang laban matapos tapusin ang kanyang school work, pero hindi na siya ginamit.
Nakauna rin ang top seed University of Santo Tomas laban sa No. 4, defending champion Copllege of Saint Benilde, 25-20, 25-16, 26-13.
Sa men’s play wagi ang UST Golden Spikers kontra De La Sale University, 22-25, 25-23, 25-15, 25-16, at ang FEU Tamaraws laban sa National Uniuversity, 25-23, 25-25. (Elech Dawa)