Nasa 30 lugar sa buong bansa ang nakaranas ng matinding init ng panahon nitong Lunes, Marso 25, kung kaya’t isinailalim sa “extreme caution” level ang mga ito.
Base sa inilabas na heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) bandang alas-singko ng hapon, naitala ang 37°C sa Pasay City; Ilocos Sur; Calayan, Cagayan; Baler, Aurora; Tanauan, Batangas; Alabat, Quezon; Calapan, Oriental Mindoro; Roxas City, Capiz; Misamis Oriental.
Naitala naman ang 38°C sa Laoag City, Ilocos Norte; Batac, Ilocos Norte; Echague, Isabela; Iba, Zambales; Sangley Point sa Cavite; Aborlan, Palawan; Virac, Catanduanes; Masbate City, Masbate; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; Malaybalay, Bukidnon; at General Santos City, South Cotabato.
Umabot naman sa 39°C sa Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Casiguran, Aurora; San Jose, Occidental Mindoro; Camarines Sur; La Granja sa La Carlota; Negros Occidental; Catarman, Northern Samar; at Musuan, Bukidnon.
Habang naitala naman ang 40°C sa Subic Bay sa Olongapo City; 41°C sa Puerto Princesa City, Palawan City; 42°C sa Science Garden sa Quezon City; Dagupan City, Pangasinan; at Cotabato City.
Nakapagtala naman ng pinakamataas na heat index na umabot sa 43°C sa Zamboanga City at Davao City.
Pinayuhan ng Pagasa ang publiko na iwasan ang physical outdoor activities mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-kuwatro ng hapon dahil sa nararanasan na matinding init sa mga ganitong oras.(Dolly Cabreza)