Isinugal ni Jennylyn Mercado ang kanyang buhay dahil sumakay sa trip ng kanyang asawang si Dennis Trillo na isang motorcycle enthusiast.
Hinamon na ni Jennylyn ang kanyang kaligtasan nang sabayan nitong mag-travel sa SLEX si Dennis sakay ng sarili nitong big bike, sa unang pagkakataon.
Makikita ang ganap na ito ni Jennylyn sa kanyang Instagram.
Mismong si Jennylyn ang nagsabing hindi ligtas ang kanyang unang sabak sa motorcycle highway ride, na posibleng ikamatay nito.
Sabi pa nya sa hashtag, “my ride or die”.
Pero proud ang aktres sa kanyang katapangan.
Anya, “First SLEX ride with my partner in crime #riderinslex #myrideordie #nasundokona.”
Puwede nang maging female endorser ng isang motorcycle or big bike si Jennylyn. Tinag pa nya sa post ang brand ng kanyang motorsiklo. (Rey Pumaloy)