Pinigil ng last year’s runner-up National University ang ratsada ng University of Santo Tomas sa likod ng ng kamandag ni Mhicaela Belen, 23-25, 25-17, 25-21, 25-20, sa 86th UAAP 2024 women’s volleyball tournament 2nd round elims Linggo ng gabi sa Big Dome.
Nagtala si Belen ng 24 points, 21 mula sa attacks, 2 blocks at 1 service ace upang tulungan ang Lady Bulldogs na sakmalin ang pangpitong panalo sa siyam na laro at kapitan ang third spot ng team standings.
Bumakas sina Evangeline Alinsug at Alyssa Solomon ng 18 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod sa NU na nakarebanse sa Golden Tigresses sa pagkatalo sa 1st round elims.
Pero natuldukan man ang eight-game winning streak ng USTe, sila pa rin ang nasa tuktok tangan ang 8-1 card habang nasa pangalawa ang defending champions De La Salle University sa 7-1 karta.
Kumamada sa opensa para sa Espana-based squad UST si Angeline Poyos na umiskor ng habang may 11 na kinana si Regina Jurado sa game na sinaksihan ng 10,947 fans.
Sunod na salang ng NU sa Abril 3 na kontra University of the East pagkaraan ng Semana Santa habang ang UST ay sa Adamson University.
(Elech Dawa)