Mga ka-Misteryo kayo ba ay napagtripan na ng engkanto o maligno?
Yan ang paksa nating ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”
Si Julian ng Leyte ay nagkuwento ng kanyang kakila-kilabot na karanasan sa probinsiya Papunta siya ng bayan para bumili ng gamit ng kanyang tatay nang mapadaan siya sa ilog na maraming kawayan sa magkabilang gilid.
Misteryo: “Parang alam ko na ang sunod na mangyayari nyan brod. Pero sige pakikuwento anong sumunod na nangyari.”
Julian: “Natakot talaga ako dyan kasi sinabihan na ko ng tatay ko na mag-ingat sa pagdaan sa kawayanan.”
Misteryo: “Exciting ang kuwento mo kasi laking probinsiya din ako kaya alam ko ang ganyang experience. Ano ang nangyari sayo dyan?”
Julian: “No choice kailangan dumaan kasi kung iikot pa ko mas malayo na sa bahay namin. Naglakad ako sa gitna ng ilog pero mababaw naman. Ang problem nangilabot ako umingay yung mga kawayan sa paligid. Alam mo yung ingay na lagutok ganun ang narinig ko then heto na ang nakakatakot na part.”
Misteryo: “Ha ha ha Sige mukhang pareho kayo ng experience ng Lola ko. Lumagutok ang mga kawayan anong sunod na nangyari?”
Julian: “Aba napansin ko gumagalaw yung mga kawayan eh wala naman hangin kasi ang tahimik ng paligid. Alam mo yung nakakabinging katahimikan?”
Misteryo: “Oo alam ko yan kasi kapag ganyan meron kababalaghan o misteryo.”
Julian: “So ganun na nga pasilong na ko sa mga kawayan biglang humarang sa daanan ko at yumuko. Napayuko ako sagad sa tubig ng ilog ang yuko ko. Wala akong nagawa dumapa na ko sa tubig kaya basang-basa ako.”
Misteryo: “Talagang napagtripan ka ng maligno nyan anong nangyari hindi ka ba sinaktan?” Julian: “Hindi ako nasaktan tapos may narinig ako nagtatawanan sa paligid akala ko nga may tao wala naman. Nung nakalagpas ako sa harang na kawayan tumakbo na ko pauwi. Natakot na ko dahil sa narinig ko.”
Ganyan din ang naging karanasan ng aking Lola papunta siya bayan nang humarang din sa daan niya ang kawayan pero inaway niya ang engkanto kaya biglang umangat ang mga kawayan. Kayo mga ka-misteryo baka may katulad kayong karanasan.
Mag-email misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph. Laging subaybayan ang Gabi Ng Misteryo sa DZRH 10-11PMtuwing Sabado pag-usapan natin ang mga misteryo sa mundo.#