Kahit anong positive ng caption nina Prince Clemente at Althea Ablan sa mga post na magkasama sila, may masasabi pa rin ang tao.
Naalala naming may video sila habang nasa restaurant at kumakain, humilig lang si Althea sa balikat ni Prince, grabe na ang reaction ng tao.
Nag-PDA raw ang dalawa gayung humilig lang si Althea sa balikat ng boyfriend at tila may sinasabi. Tinira na agad ang age gap ng dalawa, gayung seven years lang naman ang agwat nila.
26 years old si Prince at 19 years old naman si Althea.
Sabi ni Prince, niligawan niya siya Althea at hinintay nilang mag-18 years old ang aktres bago aminin in public ang kanilang relasyon. Saka, ano ba ang problema, eh, nagmamahalan ang dalawa at wala naman silang inaagrabyadong tao sa kanilang relasyon.
Heto nga at may bagong hanash na naman ang mga kontrabida nang i-post nina Prince at Althea ang mga larawan nila habang nasa bakasyon na hindi sinabi kung saan. “All smiles” na nga ang caption, ang nega pa rin ng reaction ng ilang netizens.
Sabi ng isang netizen, “Ano ba yan unmatch parang ginayuma si Prince.” Nabasa ni Althea ang comment at sumagot ng emoji ng parang nasusuka at kasunod nito ang comment na “amakana” na ibig sabihin, “tama ka na.”
(Nitz Muralles)