Ka-level na ni Regine Velasquez ang ibang mas batang Pinoy artist sa pagbalandra ng kanyang billboard sa Times Square, New York.
Ipinangalandakan ng fan na si @khay11butterfly sa kanyang X account ang video na nagpapakita ng billboard ad ni Regine para sa kanyang ‘Regine Rocks The Repeat’.
Sabi niya, “Ate this is for you @reginevalcasid #TimeSquare #NewYork Regine Rocks (The Repeat).”
Dahil ang laman ng mensahe ay detalye ng showdate ng concert sa SM MOA Arena, pinagdududahan pa ito noong una ng business manager at kapatid ni Regine na si Cacai Mitra.
Comment pa ni Cacai sa post, “Legit?”
Kahit wala pang kumpirmasyon kung hindi edited ang ad, nag-“thank you” na si Cacai.
Ang ilan sa mga panatiko ng Asia’s Songbird ay pinaniniwalaang l totoo ang billboard at hindi produkto ng editing.