Hunigit kumulang na dalawa’t kalahating taon nang opisyal sina Rhian Ramos at Sam Verzosa Hhabang lumalaon ay tumitibay ang kanilang relasyon bilang magdyowa.
Aware ang Kapuso actress na sa ngayon ay dumadami ang hiwalayan sa showbiz among couples. Katunayan, minsan daw ay nawiwindang siya at panalangin niya ay hindi sila matulad ni Sam sa mga magdyowa o mag-asawang natapos ang relasyon sa hiwalayan. ”I don’t know kung ba’t nagkasabay-sabay pero wala naman akong worry. I dunno, basta huwag lang ako.
I just feel like times are changing and people are changing,” bulalas niya. Sa ngayon daw, bagamat sumasagi sa isipan nila ang mag-settle down na, wala pa rin daw talaga ito sa plano nila. ”We’re both super duper busy at sadya lang nakapokus kami sa ginagawa namin,” sey niya.
Nilinaw rin niya na wala raw namang problema kung magpapakasal sila ni Sam kahit pa may anak ito sa dating karelasyon. ”Wala namang problem except that we’re busy. Both of us still wanna achieve a lot,”paliwanag niya. ” I wouldn’t be dating with him kung wala kaming chance to end up there,”pahabol niya.(Archie Liao)