Break o walang break, plakado na ng Rain or Shine ang gagawin para maka-angat sa PBA Philippine Cup elims.
Nilampaso ng Elasto Painters ang Phoenix 10-85 sa huling laro nila noong March 17 bago ang two-week All-Star at Holy Week breaks.
Kompiyansa si coach Yeng Guiao na tuloy ang running game ng RoS. At kumpleto ang ikot ng kanilang mga tao.
“Areglado na ‘yung rotation namin para masustain ‘yung speed namin,” ani Guiao. “‘Di na mag-iiba ‘yun.”
Naawat ang 0-4 start ng RoS sa conference, ang misyon ngayon ay humabol sa playoffs matapos ang 11-game eliminations.
Mas maagang makakabalik si Keith Datu mula sa knee injury, tuloy ang run-and-gun ng Painters kina team leading scorer Santi Santillan, Andrei Caracut, Adrian Nocum, Jhonard Clarito, Gian Mamuyac.
“Datu, mas malaki chance na makabalik na agad-agad kaysa kay Luis (Villegas),”balita ni Guiao. “Ano siya, siguro after All-Stars. Pero andiyan na si Datu, running na kami.”
Nang abutin ng injury si Datu kontra Ginebra noong March 8, pinagsalitan ni Guiao sina veteran Beau Belga at Santillan sa center, ats ina Gabe Norwood at Mark Borboran sa power forward.
Mukhang maayos naman ang rotation, sasakyan ng Rain or Shine ang momentum ng panalo sa Fuel Masters para umahon sa standings.
Sa April 3 babalik ang Painters laban sa Converge. (Vladi Eduarte)