Ang nakalipas na linggo ay nakakabahala dahil sa balita natumataas ang bilang ng whooping cough.
Sa katunayan ay nagbigay ng babala ang health department ng Quezon City namayroong outbreak sa lungsod kaya pinagiingat ang lahat. Ayonsa datos ay nasa 23 na ang nagkakasakit nito sa unang tatlong buwan ng taon at may apat nan a sanggol ang namatay. Kung ikukumpara sa nakaraang taon na 27 sa buong taon at may 3 namatay lamang. Ayon naman sa Department of Health, saunang tatlong buwan pa lamang ay may 453 na ang nakitangmay sakit kumpara sa 2 noong 2022 at 23 noong 2023.
Ang whooping cough o pertussis ay isang bakteryal naimpeksyon na nanggagaling sa bakteryang Bordatella pertussis. Kung minsan tinatawag ding “ubong dalahit”. Ang pinagkaibanito sa ibang ubo ay mayroong biglang bugso ng ubo nanagsasanhi ng hirap sa paghinga. Kung minsan ay sinusundan pa ng pagsuka pagka ubo. At kung lumala ay maaaring ikamatayito ng may sakit. Ang sakit ay tumatagal ng 2 linggo, ngunitmaaari din tumagal ng mahigit sa 10 linggo.
Ito ay napakakamandag at nakakahawa. Makukuha sapagkahawa sa isang tao na hindi makontrol ang malakas na pagubo sa kanyang kapaligiran. Madalas ay close contact ang naaapektuhan dahil sa mga droplets o patak ng laway o sipon. Maaari din kung mahawakan ang mga ito at malanghap. Madalas mangyari sa mag sanggol at bata, ngunit pwede din mahawa ang mga mahihina ang katawan, mga senior, mag immune compromised, at pati na ang mga buntis.
May tatlong stages ang sakit na ito. Ang catarrhal, paroxysmal at convalescent stage. Hindi naman agada gad nagkakasakit dahilmangangailangan pa ng 5 hanggang 15 na araw para magkasakitnito o incubation period. Ang unang stage ay may ubo lamangna parang katulad ng iba’t ibang sanhi. Pagkatapos makikita sapangalawang stage ang katangi tanging ubo. Ginagamitan din RT-PCR para makumpirma ang karamdaman. Ang huli namanay hindi na gaano katindi ang ubo.
Nagagamot naman ito sa pamamagitan ng paggamit ng antibayotiko at mga ibang para sa symptomatic treatment. Ngunit mas maganda sa lahat ay mabakunahan laban sakaramdamang ito. Lalo na sa ang mga sanggol, mga bata, bagomaging teenager at mga buntis. Isama na din ang kung sino angmaaaring magkasakit. Kaya nga kasama ito sa expanded program of vaccination na ibinibigay sa mga health centers ng libre. Ngunit walang lifelong immunization laban dito, kaya nangangailangan din ng mga booster doses.
Kaya kung inuubo na hindi nawawala at lalo na iba na ang tiunog at nahihirapan nang huminga, magpatingin agad sadoktor ng malaman kung ito ay whooping cough at makaiwas sakumplikasyon at kamatayan.
Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing martes10am at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am saDZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.