Isa sa mga lubos na pinagpipitaganaang pintakasi ng Italya ay si Santa Agatha, isang dalagang namatay na martir sa relihiyon at ng kalinisan noong taong 250 sa Catania, Sicily. Naniniwala ang mga taga-Catania na ang pamimintuho sa kanilang patron ang nagbibigay proteksiyon sa mapinsalang pagsabog ng Bulkang Etna, mga lindol, at samut-saring peste. Sinasabing naligtas ang lungsod noong 1231 sa tangkang pananalakay ni Emperador Federico II sa pamamagitan ng santa.
Si Santa Agatha ay naging martir noong panahon ni Emperador Trajan Decius. Sa kanyang kapanatagan at sa biyayang mula sa Diyos, napagtagumpayan ng dalaga ang mga pakana ng kaaway na ibulid siya sa pagkakasala. Ipinag-utos ni Hukom Quinctianus na sugatan ang katawan ni Santa Agatha at tanggalin ang kanyang dibdib. Pagkaraan nito, inilagay siya sa baga hanggang siya’y malagutan ng hininga.
Sa kasalukuyan sikat si Santa Agatha bilang pintakasi ng mga maysakit na breast cancer. Maladas din siyang tagawan ng mga taong biktima ng rape. Ito’y sa kadahilanang naligtas siya sa tangkang panggagahasa ng taong may gusto sa kanya. Isang taon matapos itong pumanaw, humiling sa santa ang mga taga-Catania na maligtas sa nag-aalburutong bulkan; at pinagbiyan ng langit ang kanilang kahilingan.
Dalawang araw ipinagdiriwang sa Catania ang kanyang Pista. Inililibot sa lungsod ang kanyang mga labi at pag-aaring mapaghimalang belo hanggang ito’y manahan muli sa Katedral na matatagpuan sa Pizza San Domenico. Samantala, nagkalat ang mga deboto sa lansanhan sa pagdiriwang kasama ang libu-lubong bisita at turista na masayang nagsasalo sa tradisyunal na mga pagkain ng Catania.
Itinuturing din na pintakasi si Santa Agatha ng mga nars. Ayon sa Smbahan, “St. Agatha is a constant reminder to them that all the difficulties they face are worth enduring because it is for a great and honorable cause. Her devotion and steadfast resiliency embody a kind of character that every nurse recognizes and hopes to embrace in their role of taking care of the sick.”
Ayon sa tradisyon, habang nakalukong nagpakita sa kanya si Apostol San Pedro upang palakasin ang kanyang loob at hilimin ang kanyang mga sugat. Dahil sa kanyang katatagan, madalas isinalalarawan ang santa na may dalang plato kung saan nakahain ang kanyang hiniwang dibdib kasama ng mga instrumento ng pagpapahirap sa kanya. Ang kanyang martiryo ay itinuturing na simbolo ng katatagan at katapatan sa pananampalataya.
Sa panahon ng matitinding pagsubok sa buhay at panghihina nawa lumapit tayo kay Santa Agatha upang hilingin ang lakas harapin nang buong tapang ang sanhi ng kasiphayuan. Idulog natin sa santa, higit sa lahat ang mga maysakit na kanser lalo na ang mga lubos na pinahihirapan dahil sa nasabing karamdman. Magkaroon nawa tayo ng tapang katulad ni Santa Agatha manatili sa panig ng Panginoon hanggang sa wakas.
Santa Agatha, Ipanalangin Mo kami!